Naghain ng petisyon si Senadora Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.
Sa naturang petisyon, iginiit ng kampo ng Senadora ang writ of habeas data dahil sa paglabag umano ng Pangulong Duterte sa karapatang mabuhay, kalayaan at seguridad ng isang tao.
Ayon kay De Lima, ang hakbang na ito ay para sa ginawang pagmumura, paninira, pang-iinsulto at paghamak sa kanya ng Pangulong Duterte bilang isang babae.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Ayon kay De Lima, ang galit sa kanya ng Pangulo ay nag-ugat lahat nang maupo siya bilang pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) sa ilalim ng administrasyong Arroyo kung saan alkalde noon ng Davao si Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Iginiit ni De Lima na hindi niya inimbento ang ukol sa Davao Death Squad (DDS) na iniuugnay sa Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Petition for Writ of Habeas Data
Umaasa ang kampo ni Senador Leila de Lima na pakikinggan ng Korte Suprema ang petition for writ of habeas data na inihain nila laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty. Manuel Diokno, chairman ng Free Legal Assistance Group o FLAG at Founding Dean ng Dela Salle, kakaiba at kauna-unahan sa kasaysayan na direkta nilang kinasuhan ang isang nakaupo pang Pangulo ng bansa.
Ipinaliwanag ni Diokno na ang kaso ay may kaugnayan sa mga pananalita at aksyon ng Pangulo na wala namang kinalaman sa kanyang opisyal na trabaho bilang presidente kayat hindi ito dapat masakop ng presidential immunity.
Ayon kay Diokno, maituturing na sexual harassment at psychological violence ang matatalim na pahayag ng Pangulo laban kay De Lima.
Nais anya nilang sagutin ng Korte Suprema kung puwedeng gamitin ng isang presidente ang resources ng gobyerno para sa kanyang personal na paghihiganti.
By Ralph Obina | Len Aguirre