Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Senator Leila De Lima sa naging pasya ng Ombudsman na kasuhan si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng Mamasapano incident.
Ayon kay De Lima, batid niyang ikinalulugod ng pamilya ng mga nasawing apatnaput apat (44) na SAF Commandos ang nasabing development dahil naibsan ang matagal nang hinihinging hustiya.
Aniya, bagamat hindi niya masisisi ang mga pamilya ng SAF 44 at ang naging desisyon ng Ombudsman ay nagpaabot naman si De Lima ng sentimyento at panalangin para sa dating Pangulo sa ikinahaharap na bagong pagsubok.
Dagdag ni De Lima, tiyak na ikinalulugod pa rin ni PNoy na magkakaroon ito ng oportunidad na ipagtanggol ang sarili at malinis ang kanyang pangalan.
Giit pa ng senador, kilala niya ang dating Pangulo na sobrang pinahahalagahan at nirerespeto ang buhay kaya naging napakahirap para dito ang kinahinatnan ng SAF 44.
Pag-imbestiga sa EJK sa bansa iginiit
Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat pagtuunan na lamang ng pansin at imbestigahan ni Senador Richard Gordon ang mga kaso ng pagpaslang o EKJ sa bansa.
Sa halip ng plano ni Gordon na muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano incident at ang planong pagpapatawag kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa senado.
Ayon kay Trillanes, masusi nang naimbestigahan ng senado ang pumalpak na operasyon ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao at napatawag na rin lahat ng resource persons sa public hearing at executive session.
Dagdag pa ni Trillanes na nakapag-sumite na rin ng report ang committee on public order na humawak ng imbestigasyon sa insidente sa pangunguna ni Senador Grace Poe.
- Krista De Dios | Story from Cely Bueno