Nagpasalamat si Senador Leila de Lima sa U.S. Congress sa pagkasama sa 2020 budget act ang probisyon na nagbabawal sa mga responsible sa pagpapakulong sa kanya.
Ayon kay De Lima, pagpapakita ito na ang ‘impunity’ ay hindi magtatagal at hahabulin ng hustisya ang mga taong gumawa ng kawalang hustisya sa iba.
Pagkilala rin anya ito ng matibay na paniniwala ng gobyerno ng Amerika na siya ay biktima ng political persecution.
Kaugnay nito, umaapela pa si De Lima kay U.S. President Donald Trump na ipatupad ang iba pang nilalaman ng batas tulad ng freezing at forfeiture sa mga U.S. assets, properties at bank accounts ng mga pinaniniwalaang human rights violators.