Nakiisa si Senadora Leila De Lima sa panawagang labanan at imbestigahan ng senado ang patuloy na kumakalat at dumaraming pekeng balita sa social media.
Isang paraan aniya ang senate investigation upang matukoy kung ano ang kinakailangang batas sa pagpigil ng mga pekeng balita at mapanirang impormasyon sa social media.
Ayon kay De Lima, dapat magkaroon ng batas na magtatakda ng mahigpit na requirements sa mga websites upang maging mas responsible sa paglalathala at magpapataw ng mabigat na parusa upang hindi na pagkakitaan ang pagpapakalat ng pekeng balita.
Sa kanyang privilege speech na may titulong Zombie Apocalypse: The Rise of Fake News and The Death Knell for Philippine Democracy, inisa isa ni De Lima ang mga peke at mapanirang balita laban sa kanya.
“Kung ano-ano ang ini-imbento nila laban sakin, sa pamilya ko, sa anak ko, sa kapatid ko, kahit sa pamangkin ko”, ani De Lima.
PAKINGGAN: Tinig ni Sen. Leila De Lima
By: Avee Devierte / Cely Bueno / Race Perez