Sasampahan ng asunto ni Senador Leila de Lima sa Office of the Ombudsman si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay De Lima, kasama sa isasampa niyang reklamo laban kay Aguirre ay subornation of perjury at tampering with witnesses.
Dagdag pa rito ang ilang eskandalo na kinasasangkutan ng kalihim tulad ng lumabas na confidential memo na nag-uutos na ibalik ang mga pribelehiyo sa mga high profile inmate.
Ang mga nasabing high profile inmate ay tumestigo laban kay De Lima sa isinagawang imbestigasyon ng House Justice Committee hinggil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
By Meann Tanbio | Report from Cely Bueno (Patrol 19)