Nanguna si Senadora Leila De Lima sa listahan ng limang (5) political prisoners sa Southeast Asia na inilabas sa artikulo ng foreign news website na ‘Asian Correspondent’.
Tinalakay sa nasabing artikulo na may titulong ‘Democracy Behind Bars: A Look at The Cases of Five Jailed ASEAN Leaders’ ang kaso ng limang ‘politically – persecuted leaders’ mula sa Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Cambodia at Thailand.
Kasama ni De Lima sa listahan sina dating Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, dating Jakarta Governor Basuki ‘Ahok’ Tjahaja Purnama, Cambodian National Rescue Party Leader Kem Sokha, at dating Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra.
Iginiit ni De Lima sa artikulo na walang sino mang Pangulo ng isang bansa ang may karapatan na bahiran ang reputasyon ng isang public official dahil lamang sa mga opinyon nitong salungat sa pananaw ng pamahalaan.