Napabilang sa listahan ng World’s Fifty Greatest leaders ng Fortune magazine si Senadora Leila de Lima.
Ayon sa editor ng New york-based business magazine na Fortune, kanilang itinuturing na mga thinkers, speakers at mga doers na umaangat sa kabila ng mga kinakaharap na hamon.
Batay sa write-up ng Fortune Magazine, kanilang tinukoy si de Lima bilang pinakamahigpit na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte at matapang na nagsagawa ng imbestigasyon laban sa umano’y kaso ng extra judicial killing sa ilalim ng war on drugs.
Dagdag pa ng Fortune Magazine, hindi rin anila natinag si de Lima na ipahayag ang mga pagtutol at pagbatikos sa mga anila’y hindi makataong polisiya ng administrasyong Duterte sa kabila ng pagpapakulong sakanya.
Si de Lima lamang ang tanging personalidad mula sa Pilipina na nakapasok sa listahan ng greatest leaders ng Fortune Magazine kung saan nakasama niya sina South Korean president Moon Jae-in, Chinese Premier Liu He, French president Emmanuel Macron at iba pa.