Pinapurihan ni Senador Leila De Lima ang naging hakbang ng Facebook na pagpapasara sa nasa 200 accounts na iniuugnay sa dating campaign manager ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay De Lima, isang tunay na tagumpay ang pag-aksyon ng naturang social media giant para wakasan ang panlilinlang ng mga pekeng accounts sa mga ordinaryong mamamayan.
Sigurado aniyang panibagong peke at bayarang accounts at pages na naman na may kaugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang magsusulputan sa mga susunod na araw para magkalat ng mga kasinungalingan.
—-