Pinuri ni Senadora Leila De Lima ang desisyon ng Korte Suprema na nag-aatas sa Office of the Solicitor General o OSG na maglabas ng kopya ng police reports hinggil sa kampanya kontra droga ng gobyerno.
Ito’y bilang tugon sa mga petitioner na iginigiit sa mataas na hukuman na pagdedeklara sa naturang kampanya bilang isang paglabag sa konstitusyon.
Ayon kay De Lima, isa itong mahalagang hakbang tungo sa hustisya ng mga biktima ng oplan-tokhang at kanilang mga pamilya.
Magbibigay pahintulot din anya ang naturang desisyon ng korte para masuri ang mga dokumento na naglalaman ng libo-libong bilang ng mga nasawi na naganap sa drug war operations ng mga otoridad.
Dagdag pa ng senadora, walang mali sa pagiging transparent o malinaw at maliwanag na usapan kung sangkot na sa usapin ang buhay ng mga mamamayan.