Posibleng mauwi sa pagpapatalsik kay Senador Leila de Lima sa Senado ang mainit na labanang pulitika ngayon sa Senado.
Ganito, ayon kay Professor Ramon Casiple, isang political analyst ang sitwasyon ngayon makaraang patalsikin bilang Chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights si De lima.
Nakita aniya ang tunay na kulay ng pulitika sa ginawang botohan dahil lumalabas na hindi talaga natanggap ng mga nasa Liberal Party ang resulta ng eleksyon noong Mayo kung saan nanalong Pangulo si Rodrigo Duterte.
Ayon kay Casiple, bagamat lehitimo ang resolusyon para imbestigahan ng Senado ang extrajudicial killings sa bansa, kuwestyonable naman ang agarang pagsalang ni De Lima kay Edgar Matobato dahil tila inilihim niya ito sa mga miyembro ng komite.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple, Political Analyst
Samantala, kumbinsido si Casiple na ang imbestigasyon naman ng House of Representatives sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid na kinasasangkutan ni De Lima ay walang kaugnayan sa pagpanday ng batas.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple, Political Analyst
By Len Aguirre | Ratsada Balita