Maaaring masibak sa puwesto si Senator Leila de Lima sakaling madiin sa inihaing ethics complaint ng House of Representatives sa Senado.
Ayon kay House Justice Committee Chairman at Oriental Mindoro 2nd District Representative Reynaldo Umali, mabigat na kasalanan ang “grave misconduct.”
Kaugnay ito sa pambabastos ni De Lima sa House Inquiry matapos nitong himukin ang dating driver na si Ronnie Dayan na isnabin ang pagdinig hinggil sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
By Drew Nacino | Balitang Todong Lakas