Posibleng pagbigyan ang kahilingan ni Senadora Leila De Lima na payagang makaboto sa kanyang presinto sa Parañauqe City sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Ayon sa abogado nitong si Filibon Tacardong, nang matapos ang pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court o RTC Branch 205 sa kaso ni De Lima kaugnay sa iligal na droga, hinihintay na lamang nila ang desisyon ng naturang RTC branch hinggil dito.
Ito’y makaraang pumayag na ang RTC Branch 2-5-6 sa kahilingan ng senadora.
Magugunitang una nang hiniling ni De Lima na makalabas siya ng selda para makaboto matapos ianunsyo ng Commission on Elections na posible itong mangyari kung mabibigyan siya ng escorts.