Tanging si Senator Leila de Lima ang senador na nasa drug list ni Kerwin Espinosa.
Ito ang nilinaw ng abogado ng itinuturong drug lord na taliwas sa isiniwalat ng isang dating whistleblower.
Ayon kay Atty. Leilani Villarino, maliban kay De Lima ay wala nang ibang senador o mataas na opisyal ng pamahalaan na umano’y tumanggap ng drug money mula kay Espinosa.
Una nang iginiit ni Whistleblowers Association of the Philippines President Sandra Cam na may dalawa pang senador na isasangkot ang drug lord ng Eastern Visayas.
Si Espinosa ay muling haharap sa imbestigasyon ng Senado sa darating na Lunes, Disyembre 5.
By Jelbert Perdez