Kinumpirma ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. Ang tangkang pag-hostage ng 3 preso kay dating Senador Leila De Lima sa loob ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame kaninang pasado alas-6:30 ng umaga kanina
Kung saan napaulat na ligtas naman ang dating senadora habang 3 preso ang nasawi at isang pulis ang ngayo’y nasa kritikal na kondisyon
Ayon kay Azurin, sinubukang tumakas ng tatlong persons under PNP Custody (PUPCs) na kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr.
Batay sa paunang ulat, pinagsasaksak umano ng tatlo si PCPL. Roger Agustin na ngayo’y nasa kritikal na kondisyon.
Habang isang “PCPL. Matias” naman umano ang on-duty ang rumesponde at nabaril sina Cabintoy at Susukan na sinasabing sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Agad namang tumakbo si Sulay sa selda ni De Lima at hinostage ito ngunit hindi nakipagnegosasyon sa awtoridad kaya’t napilitang barilin ang suspek