Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na totoo ang pagkakasangkot sa iligal na droga ni Sen. Leila De Lima.
Sa talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense, sinabi ng pangulo na totoo ang mga kasong kinakaharap ngayon ng senadora hinggil sa ipinagbabawal na gamot.
Dagdag pa ng pangulo, nainsulto siya sa hindi pagtanggap ng human rights advocates na totoo ang drug charges laban kay De Lima at itinuturing lang nila itong isang political prisoner.
The greatest insult that I have received from these people is they refused to understand that the case against De Lima is true and accurate. They took the line of the left that she is a political prisoner,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Pangulong Duterte may dahilan si De Lima para tumanggap ng drug money at iyon ay dahil kailangan niya ito sa kaniyang pangangandidato.
Nakakulong sa custodial center ng Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame ang senadora mula Pebrero 2017.