Positibong itinuro ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa si Senadora Leila de Lima na isa sa mga opisyal ng pamahalaan na tumatanggap ng drug money mula sa kanya.
Ito ang isiniwalat ni Senador Manny Pacquiao kung saan ayon umano kay Espinosa, tumanggap umano mula sa kanya si De Lima ng 8 milyong piso.
Sinabi ni Pacquiao na ang rebelasyong ito ay bahagi ng salaysay ni Kerwin nang magkipagkita ang senador sa Kampo Krame nitong nakaraang linggo.
Una rito, sinabi ng whistleblower na si Sandra Cam na may dalawang senador ang pangangalanan ni Espinosa sa pagharap nito sa Senado ukol sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
De Lima to attend Senate hearing
Tiniyak ni Senator Leila de Lima ang kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, bukas (November 23, 2016.)
Ito ay sinabi ni De Lima sa gitna ng nakatakdang pagharap ni Kerwin Espinosa sa pagdinig.
Muli din iginiit ng senadora na hindi niya kilala ang mga Espinosa at wala siyang kinubrang drug money mula sa mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
By Ralph Obina | Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)