Tumanggi si Senadora Leila De Lima na maghain ng plea para sa kasong disobedience to summons na isinampa ng Department of Justice o DOJ laban sa kanya.
Kaugnay nito, naghain ng not guilty plea sa ngalan ni De Lima ang Quezon City Metropolitan Trial Court kung saan binasahan ng sakdal ang senadora.
Matatandaang isinampa ng DOJ ang disobedience to summons laban kay De Lima noong Disyembre dahil sinabihan ng senadora ang dati niyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison o NBP.
Una nang iginiit ni De Lima na hindi niya inutusan si Dayan, bagkus pinayuhan lamang na huwag nang daluhan ang nasabing imbestigasyon sa paniniwalang pagpipyestahan lamang sila ng mga kongresista.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc