Umapela ang tinatayang nasa 5,000 drayber na dineactivate ng Grab kay Pangulong Rodrigo Duterte para bigyan sila amnestiya.
Idinahilan ng grupo ang demanding na proseso at requirement sa pagkuha ng prangkisa sa LTFRB bago mabigyan ng provisional authority at certificate of public convenience.
Inihirit din ng grupo na magkaroon ng uniporme ang mga drayber sa ilalim ng transport network vehicle service (TNVS).