Hanggang ngayong araw, June 13 na lamang ang taning na ibinigay ng Abu Sayyaf para sa hinihingi nilang ransom kapalit ng kalayaaan ng 3 pa nilang bihag na dinukot sa Samal Island noong nakaraang taon.
Binigyan lamang ng Abu Sayyaf ang mga pamilya at ang gobyerno ng hanggang ngayong araw para bayaran ang 300 milyong pisong ransom para sa bawat bihag na hawak nila.
Nagbanta ang Abu Sayyaf na matutulad sa kapalaran ng Canadian national na si John Ridsdel ang mga bihag kung hindi mababayaran ang ransom.
Sa kabila nito, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy- tuloy pa rin ang kanilang operasyon upang sagipin ang dalawang lalakeng bihag at isang Pinay.
Matatandaan na noong April 25 ay pinugutan ng Abu Sayyaf si Ridsdel dahil sa kabiguan ng gobyerno ng Pilipinas at Canada na magbayad ng ransom.
By Len Aguirre