Pinalawig pa ng Comelec ang deadline ng filing ng applications para sa transfer of registration records from overseas to the Philippines hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa halip na katapusan noong nakaraang buwan ay kanila na lamang isasabay sa deadline ng local voter registration sa bansa.
Dagdag pa ni Jimenez, na layon ng naturang hakbang na iwasan ang disenfranchisement ng mga Pilipinong botante sa ibayong dagat.
Ibig sabihin lamang, oras na nasa bansa ang botanteng nakapagparehistro sa ibang bansa ay maaari itong makaboto rito.