Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na sila magbibigay ng extension sa paghahain ng certificate of candidacy (COC).
Eksaktong alas-5:00 mamayang hapon, ititigil na ng Comelec ang pagtanggap ng mga COC.
Kabilang sa malalaking pangalang humabol sa huling araw ng paghahain ng COC ang nagbabalik Senado subalit nakapiit sa Kampo Krame na si dating Senador Bong Revilla sa pamamagitan ng kanyang asawang si Mayor Lani Mercado-Revilla.
Sa ikalawang pagkakataon ay susubok na makapasok sa Senado si Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino matapos itong pumang-labing tatlo npong eleksyon ng 2016.
Nangangahulugan ito ng pag-urong na ni Tolentino sa kanyang electoral protest laban kay Senador Leila de Lima na pumang-labing dalawa at pumasok sa Magic 12 noong nakaraang eleksyon.
Naghain na rin ng COC ang re-electionist na si Senador Edgardo Angara samantalang magbabalik Senado rin si dating Senador Serge Osmeña.
Samantala, tuluyan na ring pumasok sa larangan ng pulitika ang dating beteranong reporter ng GMA-7 na si Jiggy Manicad nang maghain na rin ito ng kanyang COC sa pagka-senador.
Taliwas naman sa naging anunsyo ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque noong huling press briefing niya sa Malacañang na tatakbo siyang kinatawan ng Luntiang Pilipinas Party-list group ay naghain ito ng kandidatura sa pagka-senador.
Tatakbong senador si Roque sa ilalim ng People’s Reform Party.
—-