Pinalawig ng pamahalaan ang deadline ng consolidation para sa P.U.V. Modernization Program.
Ayon sa Presidential Communications Office, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palawigin pa ng 3 buwan hanggang April 30, 2024 ang consolidation ng mga tradisyunal na jeep.
Ito’y upang bigyan ng pagkakataon ang mga jeepney operator at drivers na hindi umabot sa cut off na makapag-consolidate.
Matatandaang natapos noong december 31, 2023 ang deadline para sa P.U.V. Consolidation. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).