Pinalawig pa ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang ‘contribution payment’ nito hanggang sa katapusan ng Nobyembre bilang konsiderasyon sa mga lubhang naapektuhan ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Sa bisa ng bagong memorandum circular, ayon sa SSS ang mga employers ay pwedeng magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga tauhan hanggang sa katapusan ng Nobyembre sang-ayon na rin sa bayanihan to recover as one law.
Magkapareho rin ang deadline o palugit ng pagbabayad ng kontribusyon sa mga miyembrong nasa ilalim ng self-employed, voluntary at iba pang uri ng membership sa ahensya.
Kasunod nito, mababatid na ‘holiday’ sa Nobyembre 30, kung kaya’t pupwedeng sa ‘next working day’ o Disyembre 1 magbayad ng kani-kanilang kontribusyon.
Pero paalala ng SSS, ‘wag nang magpaabot sa deadline, ‘mas maaga, mas maganda’.