Hanggang ika-22 ng Enero na lamang ngayong taon maaaring tumanggap ng design proposal ang Department of Agriculture (DA).
Ito’y kaugnay sa kompetisyon sa paglikha ng architecture design bilang bahagi ng pagpapalaganap ng konsepto ng urban gardening sa bansa.
Ayon sa DA, magtutunggali sa Marso ang apat na finalist na mapipili at inaanunsyo ng kagawaran sa ika-20 ng Pebrero ng taong ito.
Tumatanginting na P250,000 ang naghihintay na premyo para sa makasusungkit ng unang puwesto.
Habang tig P50,000 at token gifts naman ang matatanggap ng tatlong iba pang mapipiling finalist.
Binuksan ang pagpapatala para sa nasabing kompetisyon noong ika-15 ng Disyembre ng nakalipas na taong 2020.