Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na palalawigin pa ang December 31 deadline para sa franchise consolidation application ng mga operator para sa PUV Modernization Program.
Iginiit ni Pangulong Marcos na 70% ng mga operator sa bansa ay nakapag-commit at nakapag-consolidate na sa ilalim ng naturang programa.
Dagdag pa ni PBBM, hindi hahayaan ng pamahalaan na maantala pa ang implementasyon nito.
Sinabi pa ng presidente na sa pamamagitan ng pagsunod sa kasalukuyang timeline ay masisiguro na ang lahat ay makikinabang sa buong operasyon ng modernisadong sistema ng public transport. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)