Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinalawig pa nito ang deadline para sa Road Clearing Operation 2.0 (RCO 2.0) na isinasagawa ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pinagbigyan nila ang hirit ng mga lokal na pamahalaan kaya’t sa halip na nitong Enero 22 ay hanggang Pebrero 15 na lamang ito at hanggang Marso 2,2021 naman ang validation.
Sinasabing nanawagan ang ilang LGUs na bigyan pa sila ng mahaba-habang panahon para maalis ang mga sagabal sa kalsada sa kani-kanilang nasasakupan sa gitna ng paghahanda nila sa vaccination program.
Magugunitang inatasan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na tumalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga illegal obstructions sa mga kalsada at ibalik sa mga mamamayan ang mga kalsada at mga pangunahing lansangan.