Pinalawig pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang itinakdang palugit para sa pag-aapply ng COVID-19 hazard pay ng mga health workers.
Ito ay matapos pumalag ang ilang grupo ng mga health workers sa ibinigay na isang araw na deadline para sa pagsusumite nila ng mga requirements.
Ayon sa DOH, nakipagpulong ang Center for Health Development – NCR sa mga union leaders ng iba’t ibang grupo ng mga health workers at hospital industry tripartite council sa tulong ng DOLE.
Anila, napagkasunduan ng bawat panig na iusog sa Biyernes, Disyembre 11 ang deadline sa pagsusumite ng requirements para sa hazard pay ng mga kuwalipikadong health workers.
Sinabi ng DOH, batid nilang limitado na lamang ang nalalabing araw ngayong taon para sa pagproseso ng benepisyo ng mga health care workers.