Binago na ng Social Security System ang schedule ng pagbabayad ng kontribusyon bilang tugon sa hiling ng mga employer at individual member.
Para sa mga SSS member, employer at kasalukuyang nagbabayad tuwing a-10, a-15, a-20 at a-25 ng buwan ay pinalawig hanggang katapusan ng buwan ang pagbabayad ng kontribusyon.
Ayon kay SSS media relations office head Louie Sebastian, malaki ang maitutulong ng extension sa mga employer at self-employed member dahil may pagkakataon ang mga nabigong umabot sa payment deadline na makabayad nang walang multa.
Sa resolusyong inilabas ng SSS, Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon ang saklaw ng revised payment schedule.