Pinalawig ng finance department hanggang sa Disyembre 19 ang palugit para sa pagbabayad ng mga buwis at iba pang mga singilin ng mga local government units (LGU’s).
Ito’y sa bisa ng inilabas na circular order ng ahensya alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan 2.
Ibig sabihin, ang mga naunang itinakdang deadline o palugit ng pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin, ay mapapawalang bisa na.
Ginagarantiyahan umano ito ng Republic Act number 7160 o local government code.
Bukod pa rito, nakasaad din sa naturang kautusan, na walang sisingiling interest, surcharge o multa sa mga local tax na mababayaran bago o sa mismong araw na panibagong deadline nito.
Iginiit ng ahensya, na layon ng naturang hakbang na kahit papaano’y makabawas sa iisipin ng publiko at mga negosyanteng labis na naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.