Posibleng palawigin ng Department of National Defense (DND) ang target nilang deadline para mabawi ang lahat ng kinubkob na barangay ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, may isang lugar na lamang sa syudad kung saan matindi ang paglaban ng Maute Group.
Maliban dito, sigurado anyang apektado rin ang military operations matapos limitahan muna ang airstrikes kasunod ng pagkamatay ng labing isang (11) sundalo mula sa friendly fire.
Target sana ng DND na malipol na ang Maute Group sa Marawi City hanggang bukas, araw ng Biyernes.
“It’s turning out that yung strong point na hinahawakan ng Maute is very hard to crack, yung across the bridge, from the city hall and we are pouring more battalions there today and the targets are still there. Tomorrow afternoon, let’s see, very fluid naman itong sitwasyon na ‘to, we can adjust siguro maybe towards this weekend or Sunday. There is only small pocket there, one strong pocket resistance and if we can converge our troops there, the more we do not need airstrikes”, ani Lorenzana.
By Len Aguirre