Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga negosyante, self – employed professionals at iba pang individual taxpayers na magsumite ng kanilang 2017 Income Tax Return (ITR) ng mas maaga sa itinakdang deadline sa Abril 16.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, hindi na palalawigin pa ang itinakdang panahon at papatawan ng penalty ang mga late filer.
Nagpaalala pa si Dulay na ang dapat gamitin ay ang lumang form ng ITR at hindi ang bagong itinakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law na dapat palamang gamitin sa susunod na taon.
Hindi naman kinakailangan na maghain ng personal ang mga swelduhang empleyado dahil ang mga kumpanya ang syang dapat mag – file nito.
Inilipat sa Abril 16 ang deadline mula sa Abril 15 na pumatak ng araw ng linggo.