Pinalawig ng Commission on Elections o COMELEC ang paghahain ng manifestations of intent para sa mga party-list group para makasali sa 2018 mid-term elections.
Ito’y ayon sa COMELEC ay sa bisa ng resolusyong ipinasa ng En Banc na nagtatakda sa Mayo 2 bilang deadline sa paghahain ng mga naturang manifesto na dapat sana’y ngayong araw.
Sa kasalukuyan, mayroong kabuuang 46 mula sa 59 na mga party-list groups ang kumakatawan ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Magugunitang aabot sa isandaan at labinlimang (115) party-list ang pinayagan ng COMELEC na makalahok sa halalan noong taong 2016.