Pinalawig muli ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang deadline sa pagpapapalit ng mga lumang pera.
Batay sa advisory ng BSP, maaari na muling makapagpapalit ng lumang pera ang publiko hanggang Disyembre 29.
Gayunman, nilinaw ng BSP na hanggang P100,000.00 kada transaksyon lamang maaari nilang palitan at kung mas malaki dito ay kailangan nang bayaran ito sa pamamagitan ng tseke o direct credit sa bank account.
Matatandaang Hunyo 30 ang itinakdang deadline ng BSP sa pagpapalit ng lumang pera, ngunit pinalawig ito dahil sa kahilingan na din ng publiko.
Maaaring oras na hindi mapapalitan ang mga lumang pera ay mawawalan na ng halaga ang mga ito matapos ang deadline ng BSP.