Ipinag-utos ng Civil Service Commission (CSC) ang pagpapalawig ng deadline para sa mga government officials at employees sa paghahain ng kanilang SALN o 2020 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
Ayon sa CSC, bibigyan ng hanggang May 30, 2021 ang mga opisyal at kawani para makapagsumite ng kanilang SALN.
Paliwanag ng ahensya, ito’y bunsod pa rin ng inilabas nilang guidelines ukol sa paghahain ng SALN sa mga lugar na apektado ng state of calamity o emergency kung saan binibigyan ng isa pang buwan ang mga ito para maisumite ang nasabing dokumento.
Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dulot ng coronavirus pandemic hanggang Setyembre 12, 2021.