Kuntento si dating University of the East College of Law Dean Amado Valdez sa naging desisyon ng Commission on Elections 1st division na idiskwalipika si senador Grace Poe sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Valdez, isa sa mga petitioner sa disqualification case laban kay Poe, patunay lamang ito na matibay ang kanilang basehan upang i-disikwalipika ang senador sa naturang halalan dahil sa residency at citizenship.
“Actually, yung desisyon pagdating sa question ng kanyang pagiging natural born ay 3-0, lahat ng commissioner sang ayon na hindi sya natural born, ang naging 2-1 lang na may dissenting opinion yung procedure na ginawa na sinabi nya na mali ang procedure na ginawa, pero nanaig pa rin ang petisyon namin.”
Nanindigan naman si Valdez na hindi natural-born citizen ang senador na sinang-ayunan naman 1st division maging ng 2nd division na una ng nag-diskwalipika kay Poe.
“Pagdating sa ground na hindi sya natural born Filipino, lahat suma sang ayon na hindi sya natural born. Si dating Sen. Tatad ang ground nya ay yung pagiging foundling, kapag foundling ka hindi ka pwedeng mag natural born kapag hindi mo napatunayan na Filipino ang magulang mo .Ang ground ko naman kasi pag nag renounce ka ng pgiging Filpino” paliwanag ni Valdez.
By: Drew Nacino