Ibinasura naman ng Department of Justice (DOJ) ang isinampang kaso laban kay UST Faculty of Civil Law Dean Atty. Nilo Divina gayundin sa kaniyang faculty secretary na si Atty. Arthur Capili dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Ito’y makaraang ireklamo ng Pamilya Castillo si Divina dahil sa kabiguan umano nitong ang initiation rites ng Aegis Juris Fraternity na naging sanhi ng pagkamatay ng UST Law Freshman na si Horacio Atio Castillo III.
Maliban kina Divina at Capili, ibinasura rin ng DOJ ang kaso laban kay Mark Anthony Ventura dahil nasa ilalim na ito ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan.
Absuwelto rin sa kasong paglabag sa anti-hazing law ang iba pang miyembro ng Aegis Juris na sina Jason Robinos, Aaron Salientes, Rannie Santiago, Raymond Padro, Alex Bosi, Leo Laluces, leonard Galicia, Nathan Amarna, Chuck Cesar at Carl Matthew Villanueva.
-Bert Mozo/ Drew Nacino / Arianne Palma