Itinanggi ni University of Santo Tomas o UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na siya ang tinutukoy na “Big Brother “sa nabunyag na chat group ng Aegis Juris Fraternity kaugnay pagkamatay ni Atio Castillo.
Sa katunayan, ayon kay Divina, nalaman lamang niya na may tinatawag na “Big Brother” sa fraternity noong nangyari ang hazing kay Atio.
Dagdag pa ni Divina, nilinaw na ni Marc Ventura, isa sa mga miyembro ng Aegis Juris na hindi siya ang tinutukoy nito na “Big Brother” kung hindi ang isang Attorney Bernardo.
Giit pa ni Divina, hindi na siya aktibo sa mga gawain ng Aegis Juris Fraternity dahil matagal na siyang naghain ng leave of absence dito.