Isinama na ng Department of Justice (DOJ) si University of Santo Tomas o UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at 64 pang indibidwal sa lookout bulletin order kaugnay sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Kasunod na din ito ng pag-update ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa inisyu nilang lookout bulletin noong isang buwan.
Bukod kay Divina, kabilang sa mga isinama sa look out bulletin ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity, at mga abogadong bahagi ng chat group.
Sa naturang chat group pinag-usapan ng mga ito ang planong paglinis ng mga ebidensya sa pagkamatay ni Atio.