Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang death penalty bill sa kongreso kung saan maaring hatulan ng parusang kamatayan ang mga drug-related cases.
216 ang bumoto sa naturang panukala, 54 ang anti- death penalty at isa ang nag-abstain.
May 257 ang dumalo sa inisyal na roll call.
Kasama sa mga hindi bumoto sa death penalty bill ay sina Deputy Speaker Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo, Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, Batangas Representative Vilma Santos-Recto, mga miyembro ng Makabayan Bloc at mga mambabatas ng Liberal Party.
Samantala, si Cebu City 2nd District Representative Rodrigo Abellanosa naman ang nag-abstain.
Matatandaang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na papalitan ang mga deputy speakers na hindi papanig sa death penalty bill na kung saan ay sinuportahan naman ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Race Perez |With Report from Jill Resontoc