Kinontra naman ni Senador Manny Pacquiao ang pahayag ni Minority Floor Leader Franklin Drilon na patay na ang death penalty sa Senado.
Ayon kay Senador Pacquiao na siyang may-akda ng nasabing panukala, buhay pa ang death penalty bill sa Senado at tiwala siyang makakukuha sila ng sapat na boto para maaprubahan ito.
Kailangan aniya ng bansa ang death penalty para maresolba ang mga malalang problema tulad ng iligal na droga at mga krimeng kaakibat nito.
Kasalukuyang nasa Australia ngayon si Pacquiao para ipromote ang laban kay Jeff Horn sa Hulyo 2 at babalik ito sa bansa sa Mayo sa pagbubukas muli ng sesyon.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno