Tiniyak ng liderato ng Kamara na hindi nila ire-rail road o mamadaliin ang pagpasa sa death penalty bill.
Ito’y sa harap na rin ng nakatakdang botohan ng mga mambabatas sa marso hinggil sa nasabing panukala.
Giit ni House Speaker Pantaleon Alvarez, nakahain na ang death penalty bill mula nang magbukas ang ika-17 kongreso at dumaan naman iyon sa tamang proseso.
Nakonsulta rin aniya ng House Committee on Justice ang lahat ng mga stakeholder hinggil sa usapin kaya’t hindi aniya tamang akusahan sila na minamadali ang naturang panukalang batas.
By Jaymark Dagala |With Report from Jill Resontoc