Kukwestyunin sa Korte Suprema ni Kabayan Representative Harry Roque ang death penalty bill kapag naisabatas na ito.
Ang pahayag ay ginawa ni Roque matapos pumasa sa second reading sa Kamara ang death penalty bill.
Sinabi ni Roque na sakaling sang-ayunan ito ng Senado, magkakaroon ng justiciable incident para makuwestyon ito sa Supreme Court.
Iginiit ng kongresista na labag sa konstitusyon ang death penalty bill dahil mayroong pinasok na treaty obligation ang Pilipinas na dapat sundin.
By Meann Tanbio | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)