Lusot na sa ikalawang pagbasa ang kontrobersiyal na death penalty bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay nanaig ang mga pabor sa panukala.
Binatikos naman ng mga anti – death penalty congressmen ang paglusot sa ikalawang pagbasa ng nasabing panukala na anila’y malinaw na minadali ng mayorya sa Mababang Kapulungan.
Itinakda naman ang third reading ng naturang panukala sa March 8, araw ng Miyerkules.
Senate
Mahihirapang makalusot sa Senado ang panukalang pagbuhay sa death penalty bill.
Taliwas naman ito sa naging kapalaran nito sa Kamara kung saan mabilis itong nakalusot sa second reading.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, bagama’t may pag-asa naman ito ay malaki rin ang posibilidad na hindi ito makalusot.
Aniya, magiging mahigpit ang laban sa pagpasa nito dahil sa tantiya ni Pimentel ay maaaring maging 14 versus 10 o kaya naman ay 10 versus 14 depende pa sa mga makukumbinsing mga senador.
Sa personal na posisyon ni Pimentel, sinabi nitong pabor siyang maparusahan ng kamatayan ang mga itinuturing niyang most heinous crime kabilang ang mga big time at high level na mga drug trafficker.
Matatandaan sa pinahuling pagtalakay ng Senado sa nasabing usapin ay ipinunto ni Senador Franklin Drilon na hindi maaaring ipatupad muli ang death penalty dahil lalabag ang bansa sa pinasok nitong international treaty.
By Rianne Briones