Kumpiyansa si House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na wala nang makahahadlang pa sa pagpasa sa kamara ng panukalang ibalik ang parusang bitay sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Umali, sinabi nito na pormalidad na lamang ang gagawing nominal vote sa darating na Martes dahil natapos na ang period of amendments ng kamara sa nasabing panukala.
PAKINGGAN: Tinig ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
Binira rin ni Umali ang mga kapwa niya mambabatas na tutol sa nasabing panukala dahil sa panay aniya ang kontra ngunit wala naman aniyang ginawa.
PAKINGGAN: Pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali sa panayam ng DWIZ
Maraming mambabatas ang hindi magkasundo sa mga kasong papatawan ng death penalty – Rep. Umali
Nagpaliwanag si House Committee on Justice Chairman at Minoro Rep. Reynaldo Umali kung bakit lumabnaw o na-waterdown ang death penalty bill sa Kamara.
Ito’y makaraang ilimita na lamang sa drug related cases ang maaaring mapatawan ng parusang bitay mula sa dating apat kung saan, kabilang ang trason, rape at plunder.
Mas mabilis aniyang maipapasa ang nasabing panukala kung nakatutok lamang sa drug related crimes ang pagpapataw ng nasabing parusa.
Ginawa ni Umali ang pahayag bilang reaksyon sa tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nawala ang rape sa mga krimeng dapat patawan ng death penalty.
PAKINGGAN: Tinig ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
Hindi rin aniya nababahala ang kongreso sakaling kuwesyunin sa korte suprema ang nasabing panukala dahil sa malinaw ang isinasaad ng konstitusyon hinggil re-imposition ng death penalty.
PAKINGGAN: Pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali sa panayam ng DWIZ
By Jaymark Dagala