Iniurong ng House of Representatives sa 2017 ang pagsisimula ng debate sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Ayon kay Deputy Speaker Fredenil Castro, nais nilang mapaghandaan ng mabuti ang debate sa plenaryo upang maipaunawa sa mga tutol dito ang mga dahilan kung bakit kailangan ng bansa ang death penalty.
Sinabi ni Castro na posibleng agad itong maipasa ng Kamara kung aaraw-arawin ang debate sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa 2017.
Dalawampu’t isang (21) karumal-dumal na krimen ang nakalista sa panukalang batas na dapat patawan ng parusang kamatayan.
Kabilang dito ang treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping ,serious illegal detention, plunder at iba pa.
By Len Aguirre