Naniniwala si presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi solusyon ang death penalty upang tuluyang masugpo ang krimen sa bansa.
Sa taped interview ni Bongbong sa mamamahayag na si Erwin Tulfo at kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, dalawang factors ang ikinokonsidera ni Bongbong sakaling ipapatupad ang death penalty sa oras na magwaging pangulo.
Una; kapag mayroon nang moral authority ang estado upang kumitil ng buhay at pangalawa; kung makikitang epektibo ito para mabawasan ang bilang ng malalang krimen.
Malaking kwestiyon naman para kay Bongbong ang unang factor dahil walang makakasagot nito.
Naniniwala si Bongbong na importante pa rin ang Law Enforcement para tumugon sa nagpapatuloy na insidente ng krimen sa bansa. —sa panulat ni Abby Malanday