Naniniwala si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez na kailangan buhayin ang death penalty upang maging epektibo ang kampanya laban sa kriminalidad.
Sinabi ni Jimenez na ito ay dahil binigyan na din ng mas malakas na kapangyarihan ang mga sibilyan.
Binigyang diin ni Jimenez na higit pa sa law enforcement, kailangan din i-overhaul ang hudikatura upang mas mapabilis ang pagtakbo ng mga kaso.
“Kailangan din ng boldness in judiciary at sa penalty ito, kayo sa senado o sa Congress, ipasa niyo ang death penalty because might take the law in their hands given the authority now ay talagang madugo ito.” Ani Jimenez.
Guidelines on civilian vs illegal drugs
Hiniling din ng VACC ang pagkakaroon ng malinaw na guidelines sa pagbibigay ng pabuya sa sibilyang makatutulong sa paghuli sa isang drug lord.
Ayon kay Jimenez, suportado nila ang plano ni President-elect rodrigo duterte na taasan ang pabuya ng mga ito, subalit kailangang mayroong maayos na alituntunin para dito.
Nakiusap din si Jimenez sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang kanilang trabaho laban sa droga at ihinto na ang ginagawang pagbabawas sa ebidensya laban sa mga drug lord na nagiging dahilan ng pagpapalaya sa mga ito.
“Napakaganda po nun na i-involve yung citizens, dun ako sumusuporta sa kanya, you don’t trust the police, punta ka sa PDEA, punta ka sa Mayor mo, malaking bagay po yun in the act of manufacturing puwede mo nang hulihin yun, citizens arres