Malabong mapagbotohan ang pagpapanumbalik sa death penalty law bago magbakasyon ang mga kongresista ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Albay Cong. Edcel Lagman hindi itataya ng liderato ng kamara ang posibilidad na matalo sa botohan ang pagbuhay sa death penalty law.
Sinabi ni Lagman na mas marami sa mga kongresista ang nagdadalawang isip o kaya ay tutol na ibalik ang parusang kamatayan.
Napatunayan niya anya ito nang magpatawag ng pulong ang mayorya at isa isang pinatayo ang bawat mambabatas para ilahad ang kanilang posisyon sa death penalty kung saan nakita niyang mas marami ang bantulot na suportahan ang panukala.
By Len Aguirre