Pinabubuhay ng ilang senador ang death penalty para sa mga indibiduwal na may kaugnayan sa sindikato ng droga.
Kasunod na rin ito nang pagkakahuli kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa isang drug raid sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ng mga senador na kailangang ipatupad ang parusang kamatayan sa mga dawit sa large scale drug trafficking kabilang ang military at police officials na nakikipag-sabwatan sa drug traffickers.
Naniniwala ang mga mambabatas na ang pagkakadiskubre sa paggawaan ng shabu sa Maynila ay indikasyong nasa bansa na ang narco-politics.
Si Marcelino ay kinasuhan na nang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
By Judith Larino