Ipinasa at inendorso na ng House Committee on Dangerous Drugs para sa plenary approval ang bill na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa kabilang ang kamatayan sa mga dayuhang napatunayang guilty sa drug-related activities sa bansa.
Inaprubahan sa pangunguna ni Committee Chairman at Iligan City Rep. Vicente Belmonte junior ang house bill 1213 na ini-akda naman nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo Rodriguez Junior.
Noon pang 15th Congress isinulong nina Rodriguez ang naturang panukala kung saan umabot na ito sa final reading subalit inisnab ng Senado.
Dapat lamang anilang maging patas ang parusa sa mga dayuhan na nasa Pilipinas lalo’t marami na ring mga Filipino ang binitay sa ibang bansa dahil din sa iligal na droga.
Dahil sa ban sa death penalty, tila dumami ang mga dayuhang nangahasa na magtayo ng mga drug factories in sa Pilipinas ngunit kapag nahuli ay hindi naman napaparusahan ng mabigat at tanging habang buhay na pagkaka-kulong ang kadalasang hatol.
By: Drew Nacino